Pag-Ibig Lang Ang Susi By Papuri Singers

Umiiyak ang bata sa lansangan
Ang magkalahi ay kapwa nag-aalitan
May galit na laganap
At may mga nagpapanggap
Sadyang ganyan lang ba ang buhay

Kung sino-sino na ang ating nasisisi
Sa lahat ng mga nangyayari
Ang bigong mga pangako
Ay di mo na maitatago
Lalo lang lumalala ang sugat na hatid
Kaligtasa'y kailangan na
Pagka't naghihintay sila
Sa ating pagkakaisa

(refrain 1)
Pag-ibig lang ang susi ng lahat
Ang siyang magbubuklod sa `ting lahat
Hawak mo kaibigan ang isang kapangyarihan
Na magbubuklod sa `ting lahat

(refrain 2)
Pag-ibig lang ang susi ng lahat
Ang siyang magbubuklod sa `ting lahat
Ang Diyos ang siyang nagturo, isang dakilang pangako
Si Hesus ang susi ng lahat

(repeat 2nd stanza)
(repeat refrain 1)(2x)
(repeat refrain 2)

-Pag-Ibig Lang Ang Susi By Papuri Singers Collection Lyric

0 christian comments