Hesus Aking Kaibigan Lyrics

Mula nang pagtawag Mo'y marinig,
ang puso'y nabuhay sa bagong pintig.
Turuan ng tapang ang aking tinig,
Nang maibunyag ko ang 'yong pag-ibig.

Mula nang pag-ibig Mo'y nadama,
kailanman di na ako nag-isa.
Anumang suliranin o problema;
Lahat kakayahin 'pagkat nariyan Ka.

O Hesus, aking kaibigan,
Tanging sandigan
Manatili sa 'king puso.
Hesus, aking ligaya,
Tanging pag-asa.
Minahal mo ako
Kahit di nararapat sa 'Yo.

Takasan ko man ang 'Yong paglingap,
Hindi ka titigil sa paghahanap.
Saang sulok man ang aking marating,
kasama kita at laging kapiling.

Hanggang sa huli kong paghinga,
Pupurihi't pasasalamatan kita.
Ikaw ang katuwiran, Ikaw ang saysay,
Ikaw ang hantungan ng aking buhay.

Ref2. O Hesus, aking kaibigan,
Aking tanggulan,
Kupkupin ang aking puso
Hesus, aking huwaran
Dapat tularan
Gabayan Mo ako
Nang ako'y mapalapit sa 'Yo.

Gabayan Mo ako, sa 'king pagkalito.
Tanglawan Mo ako, saanman landas ko.
Minahal Mo ako nang ako'y magmahal tulad Mo.

-  Hesus Aking Kaibigan Lyrics

1 christian comments

  1. Anonymous // September 25, 2012 at 4:06 AM  

    Inspiring song! More blessing from
    www.bayancars.com.ph community!!