Dakilang Pagmamahal By Papuri Singers Lyrics

Sa pagmamahal ng Diyos
Sino ang makahihigit
meron ka bang nababatid

Bugtong na anak hindi niya ipinagkait
Nanaog sa mundo, nagdusa
dumanas ng libong sakit

(chorus)
oohhh... purihin ka
sa dakilang pagmamahal mo
kahit bayaran ka
hindi sapat ito upang ibalik
ang dugong itinigis ng iyong anak
para sa akin

Dakilang Diyos kay buti mo
sa isang tulad ko masuwayin sa nais mo
di man pansin dakilang pagmamahal mo
tinangap parin ako
pinatawad sa mga kasalanan ko

(repeat chorus)

Salamat po Panginoon
Dahil po sa pagibig mo
buhay ko ay nagbago

tanging ikaw lamang papupurihan ko
maging ang ngalan mo
o ang madakila ang pagmamahal mo

(repeat chorus 2x)

- Dakilang Pagmamahal By Papuri Singers Collection Lyrics

0 christian comments