Pagkat ang Diyos ay Pag-ibig Lyrics

Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso’t kaluluwa
Ang siyang nagdulot ng ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa
Pag-ibig ang siyang buklod natin
Di mapapawi kailan pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang
Kahit na tayo’y magkahiwalay

CHORUS:

Pagkat ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo ay huwag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal
Sikapin sa ating pagtungo
Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa
Mga pusong uhaw sa pagsuyo

Pagkat ang Diyos ay Pag-ibig Lyrics

1 christian comments

  1. Meynard Aquino // September 25, 2012 at 4:04 AM  

    Inspiring song! More blessing from
    www.bayancars.com.ph community!!